Prayers, Homilies & Gospel

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang bunga ng iyong sinapupunan, si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

Ama Namin

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Luwalhati

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen.

Sumasampalataya

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t paririto upang hukuman ang nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Pagsisisi

O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa Iyo. Kinamumuhian ko ang lahat ng aking kasalanan dahil sa Iyong makatarungang parusa, ngunit higit sa lahat dahil nasaktan Kita, aking Diyos, na lubos na mabuti at karapat-dapat sa lahat ng aking pagmamahal. Matibay kong ipinapangako, sa tulong ng Iyong grasya, na hindi na muling magkakasala at iiwasan ko ang anumang maaaring magdala sa akin sa pagkakasala. Amen.

Aba Po, Santa Mariang Reyna

Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; aba, pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dito sa lupa ng kapighatian. Ay, aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain. At saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam, at matamis na Birhen. Amen.

Pinned Homily
Pinned May 26, 2026

Ang Mabuting Samaritano

Rev. Fr. Joselito L. Rodriguez

Itinuturo sa atin ni Hesus na ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay hindi nakabase sa lahi, estado, o pagkakakilanlan. Ang pagiging mabuting Kristiyano ay nakikita sa ating malasakit, lalo na sa mga taong nangangailangan.

Lucas 10:25-37
Click any homily card to read its full text
Pinned
May 26, 2026

Ang Mabuting Samaritano

Rev. Fr. Joselito L. Rodriguez

Itinuturo sa atin ni Hesus na ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay hindi nakabase sa lahi, estado, o pagkakakilanlan. Ang pagiging mabuting Kristiyano ay nakikita sa ating malasakit, lalo na sa mga taong nangangailangan.

Lucas 10:25-37
May 25, 2026

Pananalig sa Gitna ng Bagyo

Rev. Fr. Joselito L. Rodriguez

Sa ating buhay, may mga panahon na para tayong nasa bangkang hinahampas ng malakas na alon. Ngunit ipinapaalala ng Mabuting Balita na kahit sa gitna ng takot at problema, kasama natin si Kristo. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nawawala kapag may pagsubok, kundi lalo pang kumakapit sa Diyos.

Marcos 4:35-41
Pinned Gospel Reading
Sunday
Juan 3:16-17
Ang Pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Click any gospel card to read the full passage
Pinned
Sunday
Juan 3:16-17
Ang Pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Monday
Mateo 5:14-16
Kayo ang Ilaw ng Sanlibutan

Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad, “Kayo ang ilaw ng sanlibutan.” Hinihikayat tayo ng Mabuting Balita na ipakita ang kabutihan sa iba upang makita nila ang liwanag ng Diyos sa ating buhay.

Submit a Prayer Intention

Please sign in or create a free account to submit your own prayer intention.

Sign In or Create Account

Parish Announcements

Featured
General Announcements
March 2025 · Featured Announcement
Holy Week Schedule 2025
Special liturgical schedules for Palm Sunday, Holy Monday to Wednesday, Holy Thursday Chrism Mass & Mass of the Lord's Supper, Good Friday, Holy Saturday Easter Vigil, and Easter Sunday are now available. Please check the bulletin board or contact the parish office for the complete schedule.
March 1, 2025
Parish Office Schedule Reminder
Please be reminded that the parish office is closed every Monday. For urgent concerns, please call our parish hotline at 09995521841 or send a message via our Facebook page.
March 10, 2025
Feast of St. Joseph the Worker — May 1 Celebration
Join us for the grand celebration of the Feast of our Parish Patron, St. Joseph the Worker, on May 1. There will be a Solemn High Mass at 9:00 AM followed by a procession and parish fiesta activities.
March 12, 2025
Lenten Recollection for Parish Organizations
All parish organizations and ministries are invited to the annual Lenten Recollection on March 22, 2025, 8:00 AM–12:00 PM at the Parish Hall.
Upcoming Events
Past Events
KIDS FOR CHRIST
Past Event May 25, 2026

KIDS FOR CHRIST

Inaanyayahan po ang mga batang edad 5 hanggang 12 taong gulang at ang kanilang mga magulang sa gaganaping Monthly Assemb…

Sacerdotal Anniversary
Past Event May 18, 2026

Sacerdotal Anniversary

With grateful hearts, the whole community of St. Joseph the Worker Parish greets REV. FR. JOSELITO L. RODRIGUEZ, our dea…

Flores De Mayo +2 photos
Past Event

Flores De Mayo

Nitong Linggo, Mayo 10, ay ginanap ang Sagalahan sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria sa Kapilya ng San Jose Manggaga…